Ang Lalaking Walang Mga Braso
May lalaking nawalan ng isa niyang braso sa isang aksidente. Lubos siyang nalungkot dahil mahilig siyang tumugtog ng guitara at kung anu-ano pang mga bagay na kinakailangan ng dalawang braso para gawin. Isang araw hindi na niya matiis ang kinatatayuan niya. Naisipan niyang magpakamatay. Sumakay siya ng elevator at pumunta siya sa tuktok ng isang mataas na gusali upang tumalon mula roon. Nakatayo siya sa dulo ng gusali nang may nakita siya sa ibaba na isang lalaki sa bangketa na patalun-talon, pasipul-sipol at pasipa-sipa na tila pinapalakpak ang kaniyang mga paa.
Tiningnan niyang mabuti ang lalaki sa bangketa at napansin niya na wala ni-isang braso ang lalaking ito.
Napaisip tuloy siya na kung bakit nga ba siya nalulungkot sa sarili niya kung meron pa nga siyang isang braso na maigagamit.
Eto nga itong isang lalaki na patalun-talon sa bangketa na masaya at nagpapatuloy lang sa buhay. Nagmadali tuloy siyang pababa at naabutan nga niya ang lalaking walang mga braso. Sinabi niya na natutuwa siyang makita siya dahil nang nawalan siya ng isang braso ay naisaloob niya na sobrang niyang pangit, walang kuwenta, at naisipan na nga niyang patayin ang sarili niya. Pinasalamatan niya ulit ang lalaking walang mga braso dahil nasalba ang buhay niya ngayon alam na niya na makakapagpatuloy siya sa buhay nang may isang braso lamang kung ang wala ngang ni-isang braso ay kaya pang mabuhay. Pinagpatuloy ng lalaking walang mga braso ang pagtatalun-talon niya.
Tanong ng lalaking walang isang braso, "Bakit ka ba palaging masaya?"
Ang sagot: "Putang ina! Hindi ako masaya! Makati lang sobra ang pwet ko at hindi ko makamot kamot!"

0 Comments:
Post a Comment
<< Home